Saturday, 19 May 2012

URI NG KULTURA



Bago pa man dumating sa kapuluan ang mga dayuhang mananakop ang mga katutubo ay mayroon nang sariling kultura. Ang kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng mga tao sa isang lugar. Ito ang nagbibigay ng pagkakakilanlan ng isang mamamayan. Dahil sa kultura, matutukoy ang pagkaka-iba-iba ng mga tao.

May dalawang bahagi o uri ang kultura: materyal na kultura at di-materyal na kultura.

 

Binubuo ng materyal na kultura ang mga bagay na nakikita at nahahawakang pisikal. Nabibilang dito ang mga kasangkapan, kasuotan, kagamitan, bahay at pagkain.





Samantala, ang mga kaugalian, tradisyon, panitikan, musika, sayaw, paniniwala at relihiyon, pamahalaan at hanap-buhay ay sumasaklaw sa di-materyal na kultura. Ang mga ito ay nagpasalin-salin sa iba't ibang panahon.


  
Videos ng di-materyal na kultura

   







 

No comments:

Post a Comment